Ang Agila At Ang Salagubang
Gutum na gutom na ang Agila kaya naghahanap siya ng hayop na gagawing pananghalian. Mula sa kaitasaan ay napansin niya ang isang Kunehong masayang naglalakad sa kagubatan. Nang tumingala ang Kuneho ay alam niyang sasakmalin siya ng Hari ng mga Ibon. Upang makaiwas sa kapahamakan ay nagtatakbo ito upang magtago. Napansin ng Salagubang ang paghabol ng Agila sa Kuneho. Nang magkatama ng paningin ang Kuneho at Salagubang ay humingi ng tulong ang hinahabol. "Salagubang! Salagubang! Tulungan mo ako! Tiyak na aabutan at gagawin akong pananghalian ni Haring Agila!" Mabilis tumakbo ang Kuneho pero mabilis ding lumipad at humabol ang Agila. Awang-awa ang Salagubang sa di parehas na laki ng humahabol sa hinahabol. "Hoy, Agila! Mahiya ka sa sarili mo! Hari ka pa man din ng ibang kalahi mo pero isang maliit na kuneho ang hinahabol mo!" Hindi pinakinggan ng gutom na Agila ang sigaw ng Salagubang. Ang alam niya ay kumakalam ang kaniyang sikmura at masarap na gawi